BAKIT MAHIRAP ANG PINOY? Ikalawang Yugto. Ito ay pagpapatuloy ng naunang nailathala mga kadahilanan kung bakit marami sa ating mamamayan ay mahirap sa buhay. Likas sa atin ang kasipagan, may tiyaga, malakas na pangangatawan. Ngunit sapat ba ang mga ito upang umunlad ang buhay ng isang Pinoy? Ayon sa mga napaka raming pag aaral ang buhay Pinoy ay napaka simple lamang. Basta' meron ka lang kanin sa lamesa ay kumpleto na ang kainan anuman ang iyong ulam.(http://www.everyculture.com/No-Sa/The-Philippines.html).
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kadahilanan(basahin din ang Part I) kung bakit ang buhay ng maraming Pilipino ay mahirap at patuloy na maghihirap. Kung hindi babaguhin ang mga pananaw o paniniwala sa buhay at sasabayan ng tamang pagkilos sa pag-asenso. Ituloy natin ang mga dahilan ng kahirapan sa mga ss:
Ikalima: Kaisipang, Ito ang aking Kapalaran. Ito ay napaka maling perspektibo sa buhay, Kawikaan 10:22,"Ang pagpapala ni Yahweh ay kayamanan, Na walang kasamang kabalisahan." ( Ang Dios ang nagbibigay ng lahat ng magandang pagpapala at nais Niya na lahat ay makamtan ito). Ika-anim: Sa Isip lamang nais na Umasenso. Kapag tinanong mo ang ilang mahirap na Pinoy, "Gusto mo bang yumaman o guminhawa ang buhay mo? Ang mabilis na sagot s'yo, "Oo, sino ba naman ang ayaw yumaman". Ngunit kapag itinuro mo sa kanila ang paraan sa pag-asenso ng buhay tulad ng mga ss: magdagdag ng bagong kaalaman; magtipid at mag-ipon; maghanap ng iba pang opurtunidad o maliit na negosyo; maging matatag sa mga mag-aalinlangan sa iyong kakayanan; huwag sumuko sa pagsubok ng buhay. Lahat ng ito'y kanilang kinatatakutan mangyari o gawin. NADUDUWAG!
Ika-pito: Sa isipan binubuo ay maliit na pangarap lamang. Sabi nga nila," Libre lang ang mangarap,bakit di mo pa lakihan." Isa sa pinaka-ugat ng kahirapan ng isang Pinoy sa dahilang ito'y nagmumula sa iyong pagka-tao. Kung paano ka mag-isip? paano mo bigyan ng halaga ang iyong sarili? ano ang iyong sinasalamin sa buhay? Sa bagay na ito, limitado ang maaaring tulong na ibigay sa kanya ng tao. Kinakailangan magmula sa tao ang desisyon na siya ay gustong umasenso sa buhay at manalig sa Dios na siya ay gagabayan.
Ika-walo: Isip Talangka. Crab Mentality. Kung
sino pa ang mahirap siya pa ang mahilig ma-inggit o
manira ng kapwa tao. Iyan ang pinagka-iba ng isang
taong mahirap sa mayaman kung paano mag-iisip. Ang mayaman, kapag meron isang nahigitan pa ang
kanyang napag tagumpayan. Ito ay kanyang lalapitan kung paano niya na gawa ito at siya ay magpapaturo.
Ika-siyam: Kaisipang AKNY (Alam Ko Na Yan).
Ang mahirap na Pinoy kapag binigyan mo ng bagong opurtunidad ang madalas niya isasagot sa'yo AKNY(Alam Ko Na Yan). Kahit salat na nga sa buhay siya pa ang madalas mo makita na naglulustay ng pera kung saan-saan. Ang kalahati o isang buwan na pinaghirapan sa isang araw ay kayang ubusin ang lahat ng kinita dahil lamang sa Kayabangan. Ito ang madalas na kababayan natin na halos parang nagpapalit ng damit sa pagbili ng bagong modelo na cellphone? ano ba ang latest na gadget?ano ba ang uso ngayon? Halika mga repapips! Starbucks muna tayo para maka libre sa Wifi order tayo ng isang tasang kape...mga anak ng tipaklong, hanep sa mga kayabangan! Ngunit, iba ang mga taong mayayaman. Ito ay lubos na kabaligtaran sa gawain ng mga Pinoy na mahihirap.
Paunawa: Ang pagiging mahirap o mayaman ay hindi nasusukat sa dami ng salapi o estado sa buhay. Ang sukatan ay kung gaano kalalim ang iyong pang-unawa at pagpapa halaga sa biyaya na pinagkaloob sa'yo ng ating Panginoong Diyos. Hindi ito nasusukat sa estado ng buhay. Sa dahilang may mga ilan akong kaibigan na ordinaryong tao lamang, hindi popular at simple lamang. Ngunit sila ay umaapaw sa kasaganaan ng buhay ngunit hindi mo mahahalata dahil sa kasimplehan ng kasuotan at pamumuhay.
Kaya madalas ako ay napag-iisip sa aking pinapasukang opisina. Tuwing dumadating ang akinse at katapusan, Kung anu-ano ang naiisip na gustong puntahan o kainin upang pagka-gastusan. Ngunit ako ay nagtatanong sa aking sarili? Meron bang mga ipon ang mga taong ito? sapat ba ang kanilang naipon para makapag tapos sa Kolehiyo ang kanilang mga anak (at least I have my 2 College Educational Plan w/ Sunlife of Canada + Investment Portfolios Stocks). Mas nais ba nilang ubusin ang kanilang kinita na pinag hirapan ng isang(1)buwan para sa kanilang mga kasamahan sa opisina o kaysa ang unang makinabang ay ang kanilang mga pamilya? Usapang Barbero lamang po.

